We talked for a while about the segment launch last week and how she feels about her upcoming dance battle against Vaness and Dominic. Here's some parts of the conversation.
Me: How did you feel about the launch?
Ryza: Kabado. Lahat naman kami, basta launch, talagang kinakabahan. Syempre, first time na ilalabas kaya kailangang talagang maganda.Ginawa ko naman ang makakaya ko and although nagkaroon ako ng ilang lapses (lalo na nung sumabit ang scarf ko sa hat ko and na-distract ako), masaya pa rin ako kase nagawa ko naman ng maayos. Pinaghirapan ko talaga ang sayaw namin.
Me: Nanibago ka ba sa segment? Kakaiba kase ang Audition Celebrity Dance Battle, ito ang unang dance contest na based on an online game.
Ryza: Okay naman, pareho lang. (Smiles)
Me: Kumusta naman ang bago n'yong dance number? Mas mahirap ba yung ginawa n'yo for Sunday (May 24)?
Ryza: Kung sakin, okay lang. Di naman, enjoy lang. Pag di ka kase nag-e-enjoy, lagi mong iisipin ang next step, yun ang mas mahirap. Gusto ko naman ang ginagawa ko kaya natural lang.
Ryza: Sa ngayon, wala pa. Siguro sa Sunday kakabahan na ako. Ngayon kase, binubuo pa lang namin ang sayaw kaya enjoy lang, wala pang pressure.
Me: How will you describe your dance number?
Ryza: Yung sa amin, pabilisan eh. Kung yung kina Vaness, puro footworks, sa amin hands ang majority na ginagamit.
Me: Mukhang exciting ngang makita kayong magkatapatan sa Sunday. Sa palagay mo, sino ang magle-lead sa inyo sa Sunday?
Ryza: Wala, I don't have any idea pa. Syempre, kahit nagawa namin ng maganda ang sayaw namin, mga tao pa rin ang magde-decide kung sino ang susuportahan nila.
Me: Right. Fifty-fifty nga ang judges and text votes. Okay, last na po ito. Do you have any message for the viewers?
Ryza: Sa mga fans namin ni Rainier, sana suportahan nila kami. We'll do our best para di masayang ang suporta na ibibigay nila sa amin. Enjoy lang nila ang show.
0 comments:
Post a Comment